PANGAMBA SA SINASABING BAGONG VIRUS SA CHINA PINAWI NG DOH

PINAWI ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa sinasabing bagong virus na kumakalat sa China.

Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Health Asec. Albert Domingo na maraming disease concerns ang nagaganap sa buong mundo na hindi nakararating o nairereport sa departamento.

Ayon sa opisyal, hindi dapat seryosohin at katakutan ang kumakalat na balita dahil normal lang, aniya, na may naitatalang iba’t ibang sakit lalo na sa malamig na panahon.

Aniya, maliban  sa MPOX virus, wala pang bansa ang nagdeklara ng public health emergency.

Tiniyak naman ni Asec. Domingo ang mahigpit na pagbabantay ng kanilang departamento kaugnay sa mga sakit na naitatala sa bansa.

DWIZ 882