Kwestyunable sa mga netizens ngayon kung ano ba talaga ang hitsura ng unang apo ni Star for all Seasions Vilma Santos, dahil sa half-face reveal ni baby Rosie.
Ipinakita kasi ni first-time mom Jessy Mendiola ang picture ng anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose Tawile Manzano, pero kalahati lang ng mukha. One month old na kasi si Baby Rosie na isinilang noong December 28, 2022.
Wala pa naman sanang balak ang mag-asawa na piktyuran ang kanilang unica hija pero sobrang kuliit ng mga fans kaya heto, naintriga tuloy. Sabi ng isang netizen: “ganda ng eyes! pero bakit may pa suspense pa”
Kasi naman, gusto raw muna ni Jessy na masolo ang anak kahit ngayon lang dahil alam niyang kapag inilabas niya ito, magiging public figure na. Syempre naman! Anak ni Luis Manzano at Jessy Mendiola at apo pa ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. Mapolitika o showbiz, walang lusot.
Sabi naman ng isang netizen na “Mamaru” (arc nemesis ni Maritess as in nagmamarunong), “Kung hindi pa kayo ready para ipakita sa public si baby or kong gusto nyo pang eenjoy sya hwag muna kayong mag post ng about her, syempre excited ang mga fans at followers nyo. Just saying! Sending Love to the precious one. From New Jersey.”
Sabi naman ng isang Marites, “may something ba” sa bata kaya hindi buong mukha ang ipinakita?
Pero sabi ni Jessy, sinusulit lang nilang mag-asawa ang kanilang baby dahil excited pa sila sa pagiging first time parents. Wala naman raw problema sa mukhha ng anak nila at wala ring balat o kung anumang mantsa. Pero sakaling meron, Madali na itong maaayos ng cosmetic surgery sa panahong ito.