PANGANIB NG COVID-19 NASA “VERY HIGH” LEVEL NA–WHO

Tedros Adhanom Ghebreyesus

INILAGAY na ng World Health Organization (WHO) sa pinakamataas na lebel o “very high” ang kanilang global risk assessment sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang umabot na sa Nigeria na bahagi ng subsaharan Africa ang virus at maging dahilan ng pagbagsak ng pandaigdigang merkado.

Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, inakyat nila sa “very high” ang panganib sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso nito.

Gayundin ang nadaragdagang bilang ng mga bagong bansang naaapektuhan ng COVID-19.

Samantala, naniniwala pa rin si Ghebreyesus na kaya pa ring pigilan ang pagkalat ng nabanggit na virus kung paiigtingin ang mga ipinatutupad na hakbang tulad ng mas maagang detection sa sakit, paghiwalay at pangangalaga sa mga pasyente at mabilis na contact tracing. DWIZ 882

Comments are closed.