MAY sarili nang coffeeshop ang mag-asawang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa mismong lugar kung saan sila nagdesisyong manirahan – sa Siargao island.
Naunang nagtayo ng negosyo si Philmar, ang Kanaway Surf School, na hindi lamang nagtuturo ng surfing kundi nagbebenta rin ng swimwear, beach and surfing essentials at sunscreen.
Pero hindi kuntento dito si Andi. Yung school, kay Philmar. Kailangang matupad din ang matagal na niyang pangarap – ang makapagtayo ng sariling coffeeshop. Kaya itinayo naman niya ang Kanaway Snackbar, na nagbebenta naman ng fresh fruit juices at sandwiches.
Kung inaakala ninyong business partners silang dalawa, hindi po. Magkaiba ang negosyo at pareho silang CEO ng dalawang negosyong ito.
In fairness, nagkakatulungan naman sila, dahil wala silang choice. Tatlong anak ang pinalalaki nila kaya kailangang suportahan nila ang isa’t isa. Mas importante pa rin sa kanila ang pamilya kesa kumita ng pera.
Kahit pareho silang baguhan, hindi raw naman gaanong nahihirapan ang dalawa dahil una, hindi nila kailangang lumayo sa bahay. Nakakapagtrabaho sila habang inaalagaan ang kanilang mga anak. At ikalawa, hindi nila itinuturing na trabaho ang kanilang negosyo dahil enjoy na enjoy nila ito. Bagay na bagay raw kasi ang nasabing mga negosyo sa simpleng buhay na gusto nilang maranasan ng kanilang mga anak. RLV