PANGASINAN ASF-FREE NA – DA CHIEF

PANGASINAN ASF-FREE

IDINEKLARA ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang Pangasinan pork at pork products ay libre na sa African swine fever (ASF) matapos ang naunang testing sa probinsiya na nagpositibo sa ASF.

“For Pangasinan, the feedback I got is that there is no outbreak,” pahayag ni Dar noong bumisita siya sa probinsiya kamakailan at dumalo sa piyesta ng Urdaneta City at lechon (roasted pig) festival sa bayan ng Rosales.

May ilang mga baboy mula sa bayan ng Mapandan at Bayambang na tinesting at nagpositibo sa ASF nang mga nagdaang buwan, pero ginawan ng paraan ng DA kasama ang local government units at ibang ahensiya ng gobyerno para maiwasan pa ang lalong pagkalat ng virus.

“It is safe to consume pork and processed pork products (from Pangasinan),” ani Dar.

Siniguro rin niya na may sapat na supply ng baboy ngayong kapaskuhan dahil nasa 1 porsiyento lamang ng total population ng hogs sa bansa ang apektado ng ASF.

“Do not worry about supply this Christmas season, we have enough supply. In fact, our hog raisers have over production. The hog industry is a PHP260-billion industry, and everybody must work together to protect it,” sabi ni Dar.

Ang Region 3 (Central Luzon) ang sobrang nasalanta ng ASF virus kasama ang Bulacan at Pampanga na patuloy pa ring mino-monitor para mapigilan ang pagkalat ng virus, sabi niya.

“The threat is still there thus; we have to elevate our quarantine system. We continue to implement and observe the 1-7-10 protocol,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng 1-7-10 protocol, nagkakaroon ng culling ang gobyerno ng lahat ng baboy na nasa one-kilometer radius ng apektadong farm, habang ang galaw ng baboy at produkto nito na nasa seven kilometers ay limitado. Nagsasagawa pa ng pagbabantay sa loob ng 10-kilometer radius.

Pinuri ni Dar ang National Hog Raisers Association, kasama ang kanilang pederasyon, na madaling nakikipag-ugnayan at tumutulong sa DA para matugunan ang problema sa ASF.

Samantala, hinimok niya ang mga mamamayan na maging masigasig at ireport agad sa awtoridad kung may problema na may kaugnayan sa ASF.

“Ang hiling natin sa hog raisers especially the hog traders, huwag na kayong bumili ng mga baboy na may sakit. If you buy ASF-infected hogs and slaughter it, this will spread the virus,” sabi ni Dar.

Dagdag pa niya na ang meat processors ay humihingi rin ng tulong sa DA dahil gusto nilang inegosyo ang kanilang prosesong produkto sa iba’t ibang probinsiya.

“There are provinces which tightened their guard (at the entry points) because of their negative experience from one processor,” sabi niya.

Kasama ang Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, DA Regional Executive Director Lucrecio Alviar Jr., Mayor Julia Parayno, miyembro ng United Association of Pangasinan Swine Growers, at mga taga-barangay, nagpista sa lechon,  dinuguan, at kanin sa isang “boodle fight” si Dar na ginanap sa Cultural and Civic Center sa siyudad.

Nagkaroon din ng “boodle fight” sa bayan ng Rosales, Pangasinan. PNA

Comments are closed.