PANGASINAN INIHAHANDA ANG MGA MAGSASAKA SA EL NIÑO

MAGSASAKA

LINGAYEN, Pangasinan – NAGBIGAY ng water pumps ang provincial government sa mga magsasaka sa probinsiyang ito bilang paghahanda sa panahon ng El Niño o tagtuyot.

Sinabi ni Provincial Agriculture Office officer-in-charge Nestor Batalla na nakapamahagi na sila ng 200 water pumps noon pang Disyembre, habang mayroon pang patuloy na ipamimigay na ilan pang 369 water pumps at iba pang 408 na kasunod nito.

“Aside from the water pumps, the provincial government also gave tubes and drills to ensure that it can be readily utilized by the farmers,” sabi ni Batalla sa isang panayam.

Sa ibang lugar kung saan hamon ang pag­huhukay, nagbigay ang probinsiya ng pang-hi­gop ng tubig at distribution hosts na patungo sa ilog o sa poso.

Inamin ni Batalla na ang tagtuyot ay nararamdaman na ng probinsiya dahil sa kakulangan ng ulan, na idiniin niya na normal ito tuwing sasapit ang panahon ng summer.

“The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) also forecasted a possible El Niño phenomenon this year hence, the provincial government as per the mandate of Governor Amado Espino III gives aid to our farmers,” a­niya.

Samantala, patuloy rin ang pamimigay ng mga binhi at abono sa mga magsasaka ng Department of Agriculture (DA), sa pama-magitan ng provincial agriculture office, na apektado ng nakaraang bagyo.

Magsasagawa rin ang probinsiya ng pa­ngatlong Umaani Expo, na siyang pagtitipon ng mga magsasaka, mangingisda at mga kasapi ng sektor pang-agrikultura para sa pag­lilipat ng kaalaman ng sistema ng pagsasaka, isang show window ng pinakahuling makinarya at gamit at market promotion para sa mga magsasaka at produkto, paglalahad ng Provincial Information Office sa isang panayam.

Nagsimulang maganap ang Umaani Expo kahapon, Marso 11 hanggang Marso 16 at may temang “Paya­bungin at Pangalagaan ang Agrikultura ng Pangasinan.”

“The Umaani Expo, isang brainchild project ni Governor Espino ay isang daan para ipakita ang pagkilala at pasasalamat sa mga magsasaka at mangingisda para sa kanilang mga sakripisyo at hindi matatawarang kontribusyon sa food security ng probinsiya,” sabi ni Batalla.

Muling magiging lugar ang expo para sa diskusyon ng mga huling isyu, alalahanin ng sektor ng agrikultu-ra sa pro­binsiya at mga bagong teknolohiya.          PNA

Comments are closed.