PANGASINENSE PARA-ATHLETE SA PSC ‘RISE UP, SHAPE UP’

MAGIGING panauhin si Rhea Haina Garcia, pinarangalan bilang “Babaeng Atleta Modelo ng Kabataang May Kapansanan” sa 2021 Gintong Gawad Awards ng Philippine Sports Commission (PSC), sa web series ‘Rise Up, Shape Up’ ng sports agency ngayong Sabado.

Patuloy na kinikilala ng PSC ang ground-breaking, inspiring, at outstanding contributions sa pagsusulong at paglinang ng women and sports sa grassroots level.

Si Garcia, tubong Brgy. Coliling, San Carlos, Pangasinan, ay napili ng select panel of judges, bilang kilalang model athlete, lalo na sa persons with special abilities.

Siya ay nasa Grade 7 nang matuklasan ng kanyang mga magulang at guro ang kanyang learning disability. Kinailangan niya ng dagdag na pasensiya at atensiyon sa kanyang academic activities at ang mga guro ay naroon para tulungan at suportahan siya.

Nagsimula si Garcia na sumabak at manalo sa division-level meets, na nagpataas sa kanyang self-confidence at nagbigay-daan sa paglahok niya sa  national competitions tulad ng 2017 Palarong Pambansa sa Antique.

Sinabi ni PSC Oversight Commissioner for Women in Sports Celia Kiram na ang pagkilala kay Garcia ay nagpaangat sa  sports community ng female athletes, higit ng mga atleta na may special abilities.

“We often know of physically challenged athletes whose passion and dedication in sports allow them to triumph. The story of Rhea encourages us to see para-athletes from a different viewpoint. Her story is also proof that sports build character suited for success,” ani Kiram na tatalakayin din ang rules ng Paralympics sa kanyang regular “K-Isport” segment.CLYDE MARIANO