PANGGIGIPIT SA KOREAN PASTOR INIREKLAMO

New Life Christian Church

MISTULANG nagkaroon ng pagsupil sa karapatan sa Freedom of Religion para sa mga miyembro ng Manila New Life Christian Church, Inc.  nang hindi sila papasukin sa isang gusali sa Makati City na pinagdarausan ng kanilang  worship.

Inirereklamo ni Pastor Moon Hyungchae sa mga opisyal ng barangay sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati ang hindi pagpapapasok sa kanila  kamakailan sa  ikatlong palapag ng Marvin Plaza Building sa Makati City.  Pawang  mga Korean national ang mga miyembro ng nasabing  congregation   na mga   nagnenegosyo,   nagtatrabaho,   at   naninirahan   ngayon   sa Metro Manila.

Nang hiningan niya ng paliwanag ang mga security personnel, ang sabi ay sumusunod lang sila sa utos ng kanilang building administrator.

Tinangkang hingan ng paliwanag  ang nasabing building administrator subalit   tumanggi ito.

Dahil hindi nakapasok  ang pastor sa gusali para sa kanilang Wednesday worship ay  minabuti ng may  40 mi­yembro nito na huwag na ring tumu-loy sa kanilang lugar ng pagsamba. Nagkaroon na lang sila ng pagtitipon sa lobby ng gusali at nagdasal sa loob ng 20 minuto. Matapos nito ay mapaya-pa silang  nag-alisan.

Ayon kay Mr. Jae Jang, pangulo ng Manila New Life Christian Church, Inc., na dumalo sa Wednesday worship ng Manila New Life Christian Church, Inc., na iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 20 taon nila sa Marvin Plaza Building.

Masasabing part-owner ng nine-storey na Marvin Plaza Building ang Manila New Life Christian Church, Inc. dahil pag-aari nila ang buong third floor ng gusali kung saan naroon ang kanilang simbahan at opisina.

Paliwanag ni Mr. Jang, simula sa pagpasok ng buwan ng Mayo ay naging mahigpit na ang security personnel ng  gusali at  inoobliga silang magpakita ng mga ID bago pumasok at, matindi na rin ang ginagawang body at bag check sa mga miyembro nila.

Nitong Mayo 10  ay  hinarang ng security personnel sa carpark  ang nasabing pastor   para umano inspeksiyunin  ang kanyang mga gamit.

Nang hindi pumayag  ang pastor ay dito na umano nagsimula ang  pagba-ban ng administrator  sa  gusali sa Korean pastor.

Nitong nakaraang Miyerkoes ng hapon bago ang kanilang Wednesday worship, nakatanggap din ng pormal na liham si Mr. Jang mula  sa building administrator na  ang pag-ban umano kay Pastor Moon Hyungchae  sa Marvin   Plaza   Building   ay   mula   Mayo   14   hanggang   Mayo   19.   Ibig   sabihin   nito,   bukod   sa Wednesday worship ay hindi rin matutuloy ang kanilang darating na Sunday worship  sa nasabing gusali.

Agad namang nagpa-blotter ang pastor sa naturang barangay upang  mailagay ang insidente sa official record sa tulong ni Kagawad Benedict Gawat.    RODEL SUAREZ

Comments are closed.