PANGHIHIKAYAT SA FOREIGN INVESTORS MAGBUBUNGA RIN-NDC GM MAURICIO

IGINIIT  ni National Development Company (NDC) General Manager Undersecretary Antonio DC Mauricio na hindi madaling manghikayat ng investors upang makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa kung kaya hindi natin maasahan na magbubunga kaagad ang pag- iimbita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga banyagang maaaring mamuhunan sa Pilipinas sa kanyang foreign travels.

“Building trust takes time. Trust is required before you invest. It’s like wooing a woman. Investing money takes too, that we all have to understand,” ang paliwanag ni Mauricio sa kanyang mensahe bilang keynote speaker sa harap ng mga investor, malalaking negosyante,foreign dignitaries, at dating matataas na opisyal ng pamahalaan na kasapi ng Rotary Club of Manila sa weekly meeting nito sa Makati nitong Pebrero 1,2024.

Sa panayam ng Pilipino Mirror, sinabi ni Mauricio na hindi man agad makapag -uwi ng pledges o maramdaman ng Pilipinas ang resulta ng mga panghihikayat ni Marcos Jr. sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa upang kausapin ang mga malalaking foreign investors, maaari umanong magkaroon ng magandang idudulot ito pagdating ng panahon. “Who knows, maybe after two years, three years mag- invest sila(investors)”, sabi ni Mauricio.

Ipinagdiinan ni Mauricio na tama ang istratehiya at direksyon ng Pangulo at ng mga nakaraang administrasyon na personal na nanghihikayat sa foreign investors. Ang kailangan lamang umano ay bigyan sila ng tamang business climate, at magtyagang mag-follow up sa mga namumuhunan.“Ako umaabot ng ilang biyahe para mag follow up before I can strike deals,”sabi ni Mauricio.

“His (Marcos) strategy is effective, but we can probably see the effect of the President’s efforts few years from now,”sabi niya.

“Let his cabinet secretaries take care of running the details of the government while focusing on his strategy to invite investors,” dagdag nito.

Sabi niya ang tamang “business climate” naman na makatutulong makahikayat ng mga investor sa bansa ay ang mga impraestruktura.Ayon kay Mauricio, dapat ay maiayos ang mga impraestruktura sa “transportation at road networks, digital infrastructures sa telecommunication, tamang skills ng mga tao para sa trabaho”. Sumasang ayon siya sa mga kailangang pagbabago sa Saligang Batas kung ang mga economic provisions nito ay makapagbibigay kalayaan sa mga specific industries na kailangan ng bansa.

“It is frustrating to me if we are not able to translate these efforts to investment deals,”sabi ni Mauricio.” When we invite investors, we should look beyond this administration.Dapat long term.”

Samantala, hinikayat ni Mauricio ang mga negosyante na i-avail ang mga serbisyo ng NDC para sa mga namumuhunan. Ang NDC ay isa sa pinakamatagal ng kompanya sa Pilipinas na nagsimula pa ng 1919.Sa bisa ng Commonwealth Act 182 ng Nobyembre 30,1936, ang NDC ay naging bahagi na ng gobyerno at naging ahensya na ng pamahalaan bilang investment arm.Ang NDC ay nagsasagawa ng mga proyekto at nagbibigay puhunan sa mahahalagang proyekto na susuporta sa mga “structural reforms at economic policies” ng bansa.Bilang isang state-owned enterprise, ito ay namumuhunan sa iba ibang uri ng industriya,bilang “effective catalyst for inclusive growth”.

Kabilang sa pinupuhanan ng NDC katuwang ang mga partners mula sa pribadong sektor ay mga real estate, development projects, construction and management firms.

Samantala, inanunsyo ni Mauricio na nagbukas na ng tanggapan ang NDC sa Singapore, Hongkong,Dubai at Malaysia.Sa ngayon, ang ilan sa investment ng NDC ay ang Philippine e-commerce, internet connectivity, Davao Thermo biotech project, pagtatatag ng Glovax na kauna unahang vaccine facility sa bansa, Chevron sa Batangas,Industrial Park sa Cavite at iba pa.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia