DAHIL sa banta na tuluyang mangaunti ang isdang tawilis, ipinatupad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang conservation measures para rito.
Ibinabawal na ang paghuli ng mga tawilis o Bonbon sardine tuwing off-peak season.
Pinag-aaralan na rin ng BFAR ang paggawa ng production ng tawilis at sa proteksiyon ng habitat nito.
Una nang idineklara ang isdang tawilis na endangered ng International Union for Conservation of Nature Red List (IUCN).
Base sa pag-aaral ng IUCN noong Pebrero 28, 2017, lumilitaw na nanganganib na ang bilang ng tawilis dahil sa labis na panghuhuli rito.
Nakaaapekto sa populasyon ng tawilis sa lawa ang mga pagbaba ng kalidad ng tubig, ang mga fish cage at ang pag-aalaga ng ibang uri ng isda sa lawa.
Sa Taal Lake sa Batangas lamang matatagpuan ang tawilis. Ito rin ang kaisa-isang sardinas sa tubig tabang (freshwater sardine) sa buong mundo.
Nabatid pa sa IUCN na 1998 pa nagsimulang bumaba ang bilang ng nahuhuling tawilis sa lawa at nanganganib na bumagsak pa ng 50 porsiyento ang mga ito sa loob ng 10 taon.
Comments are closed.