PANGKABUHAYAN, TEMA NG ATI SA IKA-32 TAON NG CALABARZON

ATI-1

INIHAYAG ng Agricultural Training Institute (ATI), ang training arm ng Department of Agriculture’s (DA) Calabarzon sa kanilang ika-32 anibersaryo ang mga gawain na magaganap sa kanilang training complex sa Lapadario village mula Enero 28 hanggang 30.

Sinabi ni ATI Information Officer Dr. Rolando V. Maningas na ang selebrasyon na may temang  “Sustaining Vibrant Agricul-tural Productivity Through Harmonized and Proactive Extension Services” ay magkakaroon ng parade sa buong Trece Martires City, training, demos, exhibit of agricultural products at livelihood forums.

“It will also include the oath taking of our four regular staff and the awarding of loyalty to four ATI Calabarzon officers and staff,” ani Maningas, dagdag na ang awards rite ay nakatakda sa Enero 28 pagkatapos ng motorcade.

Ang mga magkakamit ng awards ay sina ATI 4-A Center Director Maritess Piamonte Cosico, na kasama ang kanyang Assistant Director and Training Superintendent Mariel Celeste C. Dayanghirang na nagmarka dahil sa kanilang 35 taong serbisyo sa center.

Magsasagawa ng tiyangge ang ATI sa pakikipag-partner sa magsasaka na magpapakita ng iba’t ibang farm products mula Enero 29 hanggang 30.

Nakalinya rin ang mga lecture sa “Natural Feed Formulation for Native Pig Production” at “Capsulizing Your Herbs and Spic-es: Producing Higher Value Planting Materials by Creative Propagation Techniques” gayundin sa libreng seminar sa urban agricul-ture sa Enero 29 at 30, ayon sa pagkakasunod.

Magkakasabay namang pag-uusap at mi­ting tungkol sa “Angas” Beef: Heritage Rediscover cooking demo at herbal soap mak-ing gamit ang farm-available materials ang naghihintay sa mga lalahok sa Enero 30.

Bilang extension arm ng DA sa probinsiya, ang  ATI ang nangu­nguna sa pagbibigay ng extension ser-vices para sa sustained agricultural productivity sa Cavite at sa iba pang lugar sa Calabarzon.                                    PNA

Comments are closed.