PANGKAIN NG MGA SUNDALO IDO-DONATE SA MGA BIKTIMA NI ‘CARINA’

NAGKAISA ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ibigay sa mga  biktima ng Bagyong Carina at southwest monsoon o Habagat ang ba­hagi ng kanilang inilaang pangkain o one meal subsistence allowance.

“The Armed For­ces of the Philippines (AFP) is extending its support to the victims of Typhoon Carina by donating the equivalent of one meal from their Subsistence Allowance, amounting to P50.00 per member,” ito ang inihayag ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr.

Patuloy  ang ibat ibang search, rescue, and retrieval teams na naka- deploy sa  Metro Manila,  Southern at Northern Luzon para tumulong sa  humanitarian assistance and disaster response efforts.

Kasunod ng Uni­ted States at China ay nagpahayag na rin ng kahandaan ang iba pang mga bansa na magbigay ng tulong sa Pilipinas, kabilang na ang Japan, Israel, Canada, Romania, Germany, UK at Australia kasabay ng pagpapaabot ng kani-kanilang ambassador ng mensahe ng pakikisimpatiya sa mahigit 1 mil­yon Plipino na naapektuhan ng bagyo.

Ang Chinese Embassy sa pakikipagtulungan ng  Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., ay nagkaloob ng 3,500 relief packages na nagkakahalaga ng mahigit P3.5 milyon para makatulong sa mga pamilyang mahigpit ang pangangailangan.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian na namahagi ng kahon kahong ayuda kasama ni Manila Vice Mayor Yul Servo sa pakikipag-ugnayan kay Manila City Administrator Atty. Bernie Ang, ang bawat pakete ay naglalaman ng bigas, delata, at  noodles, na layuning matugunan ang pangunahing pa­ngangailangan ng mga apektadong pamilya.

“I was glad to deliver the first batch of relief packs to the residents affected by the typhoon together with Manila Vice Mayor Yul Servo. We hope these humble donations would be of help to those families in need,” ani Amb Huang Xilian.

Dahil  marami rin ang nawalan ng tahanan at naninirahan sa  evacuation centers dahil sa patuloy na nararanasan ng mga pag-ulan at landslides lalo na sa Mindanao ay nakipag- ugnayan naman ang USAID – US Agency for International Deve­lopment at World Food Programme, International Organization for Migration – Micronesia sa Department of Social Welfare and Development para mamahagi ng  shelter-grade tarps and family food packs.

“We are continuing to monitor the situation and are prepared to scale up our assistance if needed,” ayon sa US Embassy in Manila.

Una rito, tiniyak ni U.S State Department Secretary Antony Blinken na nakahanda ang Amerika na magbigay ng tulong para sa mga Pilipinong apektado ng pananalasa ng nagdaang bagyo.

Samantala,  hanggang kahapon ay nakapaghatid na ang Department of Social Welfare and Development ng aabot sa P70 milyon  na halaga ng tulong sa mga residenteng labis na naapektuhan ng bagyo.

VERLIN RUIZ