TARGET HARDENING MEASURES SA N. LUZON IPINATUPAD NG PNP

ISIS

TARLAC – WALA pang pangangaila­ngan para  magtaas ng alerto ang Philippine National Police (PNP).

ito ay matapos na lumabas sa publiko ang isang memorandum mula sa office of the assistant chief of Unified Command Staff for Intelligence ng Northern Luzon Command sa Tarlac City.

Nakasaad sa memo na target ng ISIS ang pagpapasabog sa Crusader City at Crusader churches sa nasabing rehiyon.

Partikular na naka­lagay sa memorandum ay ang Laoag City, Vigan City, Manaoag Pangasinan at Tuguegarao City.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, may ginagawa na silang berepikasyon  mula sa ground kaugnay sa plano ng te­roristang grupo.

Ngunit hangga’t wala pang kumpirmasyon ay mananatili munang normal ang alert status ng PNP.

Dagdag pa ni Albayalde, alam nila na target ng ISIS ang mga simbahan kapag sila ay umaatake kung kaya  magpapatupad na rin sila ng “target hardening measures” sa  Northern Luzon.

Kasama sa gagawin ng PNP ang pagpapaigting sa Oplan Sita, pagiging aktibo sa checkpoints at police visibility sa mga lugar na nabanggit sa memo. REA SARMIENTO

Comments are closed.