PANGONTRA SA BURNOUT

SA PANAHON ngayon na marami tayong hinaharap na mga pagsubok araw-araw, hindi maiwasang makaramdam ng stress, anxiety, depression, o burnout. Itong panghuli ay karaniwang konektado sa ating gawain o trabaho.

Maaaring balikan dito sa aking kolum nitong Lunes at Miyerkoles ang mga palatandaan ng burnout. At kung ikaw nga ay nakararanas ng burnout, may ilang mga bagay na maaaring subukan upang matugunan ito.

Una sa lahat, mahalaga ang pagkakaroon ng panahon o oras araw-araw na ikaw ay malayo sa stress upang mabigyan ang sarili ng pagkakataong makarekober. Hindi ito pangmatagalang solusyon kung pagkatapos ng “break” ay babalik ka ulit sa sitwasyong nagbibigay ng stress. Maaaring mas makatulong ang mas mahabang bakasyon o leave, kung maaari.

Naglipana ang iba’t ibang suhestiyon tungkol sa epektibong pangontra sa burnout. Halimbawa, maglakad-lakad sa labas, mag-exercise, magpaaraw, magbasa, mag-meditate, at iba pa. Ayon sa mga eksperto, pinakamahalaga umano ay ang paraan na subok nang gumana para sa iyo. Kaya tanungin ang sarili: Ano ba ang nakakapagpa-relax sa akin?

Kung may pagkakataong makapagbakasyon, makatutulong din umano ang mag-disconnect muna sa social media, kasama na ang email. Maaaring sabihan nang maaga ang iyong boss na gagawin mo ito.

Huwag mo ring pilitin ang iyong sarili na “umayos” o maresolba agad ang mga problema habang ikaw ay nagbabakasyon. Planuhing mabuti ang iyong break at huwag gugulin ang panahon upang humabol sa ibang gawain.

Importante ay mabigyan ng pagkakataon ang sariling makahinga, makapag-relax. Iwasan ang mga bagay na nagbibigay ng stress at alagaan ang sarili sa loob ng ilang araw na bakasyon. Gawin lamang ang mga bagay na nakakapagbigay ng saya at ginhawa sa iyong sarili.

88 thoughts on “PANGONTRA SA BURNOUT”

  1. 310389 787722This douche bag loves his illegal bretheren because hes a itiaen of the world and we should be ashamed of ourselves I got news for you Asswipe get your asswiping ass back towards the craphole exactly where you came from with all of your illegal beaners 904960

Comments are closed.