ALAM n’yo ba na mahalaga ang yakap sa isang nilalang lalo na sa inaatake ng sepanx o separation anxiety?
Kaya naman normal sa mga paliparan na bago sumakay ng eroplano ang pasahero, makikita ang mga pagyakap.
Subalit sa New Zealand Airport nilimitahan ang tagal ng pagyakap upang maging maalwan sa traveller at well wisher ang pasilidad.
Iniutos na management ng paliparan na magtagal ng hanggang tatlong minuto ang yakapan ng nagpapaalam at maiiwang indibidwal.
Layunin ng kautusan na maiwasan ang pagkaantala ng pagpasok ng mga traveller sa paliparan kaya maaari lamang magtagal ng hanggang tatlong minuto sa drop off zone.
Umani ng puna mula netizen ang kautusan dahil mahalaga sa pamilya at mag-asawa ang yakap.
YAKAP NAGLALABAS NG HAPPY HORMONES
Paliwanag ng mga netizen pangontra ang yakap sa sepanx dahil nagre-release ito ng oxytocin at serotonin na pawang happy hormones o nagpapasaya sa isang tao.
Katwiran naman ng mga boss ng paliparan, maari namang makapag-release ng happy hormones sa loob ng 20 segundo pagyakap.
Kung nais na matagal na pagyakap gawin na ito sa loob ng sasakyan o sa bahay bago bumiyahe patungong airport.
Maari ring gawin ang yakapan ng 15 minuto sa car park na tagal na puweng i-allow sa mga passenger.
Subalit sabi nga ng iba, kapag gusto may paraan upang higit pa sa 15 minuto ang yakapan, subalit sa ngayon, dahil tatlong minuto lang maaaring magtagal sa car drop zone, dapat sumunod sa kautusan.
Ngayon, alam n’yo na!
EUNICE CELARIO