“ALAM ng Pangulong Rodrigo Duterte ang limitasyon ng kanyang kakayahan alinsunod sa Konstitusyon,” ito ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa sinasabing revolutionary war ng Pangulo.
“As a lawyer, the President knows the scope and limitations of his constitutional powers and he will always act in accordance therewith,” diin ni Guevarra matapos magbanta ang Pangulo ng pagsuspinde ng writ of habeas corpus at pagdedeklara ng ‘revolu-tionary war.’
Ipinaliwanag ni Guevarra na napupuno lang ang Pangulo dahil sa ilang mga patuloy na kumakalaban sa kanyang aksiyon para protektahan ang interes ng mga Filipino.
Huwebes ng gabi nang maglabas ng sama ng loob ang Pangulo matapos siyang payuhan ni Senador Franklin Drilon na mag-dahan-dahan sa pagpapa-review sa mga kontratang pinasok ng pamahalaan.
“I ordered the review of the contracts. And here comes Drilon saying that “be careful”. Be careful of what? Pareho man kami dumaan ng Department of Justice. Why should I be very careful in reviewing contracts that are not for the interest of the people? And the onerous and burden provisions there that the people have to honor, so you think that I will allow it just because we cannot impair the obli-gation of our contracts?” pahayag ng Pangulo.
Comments are closed.