POSITIBOBO sa coronavirus disease si Portugal President Marcelo Rebelo de Sousa.
Naka-isolate sa Presidentisl Palace ang 72-anyos na lider na walang anumang ipinapakitang sintomas ng corona virus.
Inabisuhan na ng tanggapan ni de Sousa si Prime Minister Antonio Costa at Health Minister Marta Temido sa kalagayan nito.
Nauna nang nagnegatibo sa Covid-19 test si de Sousa matapos itong magkaroon ng direct contact sa isang tinamaan ng sakit.
Si de Sousa ay tumatakbo para sa kanyang ikalawang termino bilang presidente sa eleksiyon na gaganapin sa Enero 24.
Kanselado na ang lahat ng public appearance nito, kabilang na ang presidential debate at pulong sa mga health expert upang pag-usapan ang planong lockdown sa kanilang bansa.
Comments are closed.