PANGULO NG SINGAPORE BINATI SI BBM; INANYAYAHAN SA ISANG STATE VISIT

MAHIGIT  isang buwan bago pormal na maupo bilang ika- 17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas, inalok ng lider ng Singapore na si Halimah Yacob si incoming President Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa kanilang bansa.

Nangyari ang pag-anyaya isang araw matapos ang mahabang pag-uusap nina Marcos at Chinese President Xi Jinping na kung saan kanilang tinalakay ang mas higit na pagpapatatag ng samahan ng dalawang bansa at paano haharapin ang mga hamon sa hinaharap.

Sa isang sulat, binati naman ng Singaporean president si Marcos sa kanyang pagkapanalo sa halalan nitong Mayo 9, 2022.

“On behalf of the people of the Republic of Singapore, I warmly congratulate you on your electoral success,” sabi ni Pres. Yacob.

Sinabi ni Yacob na umaasa siya na magkaroon ng mas matatag pang ugnayan ang Singapore at Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

“Singapore and the Philippines share a warm and longstanding relationship, underpinned by strong economic cooperation and robust people-to-people ties,” sabi pa ni Yacob.

“I recall fondly the warm and gracious hospitality extended to me by the Filipino people during my State Visit to the Philippines in September 2019. I look forward to working with you to strengthen the friendship between our two countries,” dagdag niya sa kanyang sulat.

Inalok din ni Yacob si Marcos na bumisita sa kanilang bansa kapag ito ay naupo na bilang pangulo.

“I would like to take this opportunity to invite you to make a State Visit to Singapore. I wish you every success in steering the Philippines to greater heights,” dagdag ng presidente.

Dumagdag ang Presidente ng Singapore sa listahan ng dumaraming mga lider ng ibat-ibang bansa na binati si Marcos sa kanyang matagumpay na pagkapanalo sa 2022 national elections.

Inaasahan naman na ipoproklama sa susunod na linggo si Marcos matapos makakuha ng mahigit na 31 milyon na boto habang ang kanyang malapit na katunggali ay may boto lang na 14 milyon na boto.

Sa kasalukuyan nasa 98.35% na ang election returns na nabilang mula sa Comelec Transparency Server.