(Pangulong Duterte ‘di dumalo, inuna ang insur-hensiya sa Mindanao) IKA-155 KAARAWAN NI BONIFACIO GINUNITA

andres bonifacio

CALOOCAN CITY – GINUNITA ng sambayanang Filipino ang ika-155 taong kaarawan ni Andres Bonifacio kung saan pangunahing sentro ng seremonya ang Monumento sa Caloocan City at Unang Sigaw sa Balintawak, Quezon City.

Gayunman, maagang inanunsiyo ng Malacañang na hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya dahil kailangan umanong magtungo sa Mindanao upang harapin ang insurhensiya roon.

Pangungunahan sana ng ­Pangulo ang paggunita sa Ama ng Katipunan sa Bonifacio Monument sa ­Ca­loocan, alas- 3:30 ng hapon subalit sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais unahin ng Pangulo ang problema sa Mindanao.

Samantala, ipinagdiwang ng Pasig City Police ang nasabing okasyon sa pangunguna ni Pasig City police chief Sr. Supt. Rizalito Gapas, nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa Plaza Bonifacio sa Barangay San Jose.

Dumalo sa aktibidad ang mga tauhan ng Pasig City police kabilang ang mga PCP commander.

Ayon kay Gapas kinikilala ng Pasig City police ang kabayanihan at sakripisyong nagawa ni Bonifacio sa ating bansa.   EUNICE C.

Comments are closed.