PANIBAGONG HAZING INCIDENT SA PNPA NAITALA

Byron Allatog

CAVITE – KINUMPIRMA ng tagapagsalita ng Philippine National Police Academy (PNPA) na si Lt. Col. Byron Allatog na isa nilang kadete ang patuloy na ginagamot dahil sa umano’y biktima ng pagmamaltratong pisikal o hazing.

Kinilala ang biktima na si Cadet 4th Class John Desiderio na nag­reklamo ng pananakit ng tiyan noong Oktubre 29 ng umaga.

Unang isinugod sa PNPA dispensary si Desiderio subalit ayon sa  payo ng doctor  na ilipat agad siya sa PNP General Hospital, subalit muling inilipat sa East Avenue  Medical Center sa Quezon City.

Sinabi ni Allatog na sa kanilang inisyal na imbestigasyon, po­sibleng maltreatment ang nangyari sa kadete.

Gayunman, makukumpirma kung biktima ng hazing ang kadete sakaling magsalita na ito. REA SARMIENTO

Comments are closed.