DINALA ng Department of Industry Trade Promotions ang Philippine Halal Industry sa mapa ng US$ 3.2 trillion world halal market.
Sa kanyang mensahe sa katatapos na World Halal Conference (Abril 3-4, 2019) sa Kuala Lumpur, Malaysia, nagpahayag si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Abdulgani M. Macatoman sa nasabing komperensiya na ang Filipinas ay papasok sa isang malaking policy revitalization para makatulong sa the Philippine Halal Industry at maging isang big player sa merkado ng halal pagdating sa halal food, pharmaceuticals, tourism, at Islamic Finance.
Kaysa mahuli sa Fourth Industrial Revolution kung saan ang kapasidad ng tao ay napalalawak, sinabi niya na ang global halal industry ay dapat magsimula ng economic revolution para magamit ng husto ang benepisyo nito para sa magandang pagbabago ng pamumuhay ng mga tao. Sinabi pa niya na ang halal market ay hindi lamang para sa ilang 2 bilyong Muslims, na nasa one-fourth ng world population, kundi para sa lahat ng tao na nagnanais ng malusog na pagkain at ethical standards sa food consumption at busi-ness relationships.
Ang DTI Trade Promotions and Special Concerns Group, na pinamumunuan ni Usec Macatoman, ay nagnanais ng malakas na policy direction para sa pagkilala sa ibang bansa ng halal food products mula sa Filipinas sa pamamagitan ng malawakang pagkilala ng Philippine halal certification na may certifying bodies sa ibang Muslim countries. Sa kasalukuyan, sa siyam na certifying bodies na kinikilala ng Philippine Halal Board, tatlo lamang ang kinikilala sa Malaysia. Ang Gulf countries ay namimili pa rin kung alin ang tatanggaping halal foods, condiments, at pharmaceuticals na gawa sa Filipinas.
Dahil dito, kumuha si Usec Macatoman ng pangako mula sa Ministry of International Trade and Industry of Malaysia (MITI) para pag-ibayuhin ang halal trade sa pagitan ng Filipinas at Malaysia. Kasabay nito, magkahiwalay niyang kinumbinsi ang Halal Development Council of Malaysia na suportahan ang pagsisikap sa pagpapabuti ng pagtanggap ng halal foods mula sa Filipinas sa pagpapabuti rin ng local certification efforts sa bansa. Kasama ang MITI, kukumbinsihin nila ang JAKIM, ang central certification body ng Malaysia, na kilalanin ang iba pang certifying bodies mula sa Filipinas.
Nangangahulugan ito ng pagbibigay ng pagsasanay sa sertipikasyon at auditing procedures sa magiging certifying bodies sa bansa sa ilalim ng Philippine Halal Board para mas magkaroon ng pagkakaisa ang ating halal certification standards katulad ng sa Malaysia.
Isang malaking implikasyon ng international recognition ng halal certification mula sa Philippine certifiers ay hindi lamang sa halal food trade kundi maging sa turismo rin.
Para makuha ang Muslim tourists na dumarating sa Malaysia na isali ang Filipinas sa kanilang destinasyon, dapat din na ang Philippine restaurants, hotels at ibang tourism facilities sa bansa ay kumuha rin ng halal certification.
Dahil dito, magkakaroon ng DTI Second National Halal Industry Conference na gaganapin sa Clark ngayong Mayo 2-3 para mapalawak pa ang kaalaman sa halal certification of food and tourism facilities at masiguro na mas maraming darating na Muslim tourists sa nalalapit na Asian Games sa Disyembre ngayong taon.