PANIBAGONG OIL PRICE HIKE SA SUSUNOD NA LINGGO NAKAAMBA

NAKAAMBA na naman ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo.

Base sa trading ng langis mula noong Lunes hanggang kahapon, tinataya na P0.77 hanggang P0.91 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Samantalang aabot naman sa P1.34 ang pagtaas sa presyo ng bawat litro ng krudo o diesel. At P1.09 naman ang maaring idag-dag sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Maaari pang magbago ang tinatayang dag­dag sa halaga ng produktong petrolyo depende sa magiging bentahan ng imported na langis ngayong araw.

Ito na ang ika-walong sunod na linggo ng taas presyo sa langis.

Comments are closed.