(Panibagong scam) PUBLIKO PINAG-IINGAT SA ‘VISHING

PINAALALAHANAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko kaugnay sa panibagong pamamaraan ng mga kawatan para manlinlang at magnakaw ng personal o bank information.

Tinatawag ang ganitong uri ng scam na “vishing” o isang uri ng social engineering attack na nangangalap ng impormasyon upang magkaroon ng access, partikular na sa bank account ng mga biktima ng mga ito.

Kadalasan itong ginagawa sa mga tawag sa telepono o cellphone, automated voice recording, o voice over internet protocol.

Payo ng BSP, dapat maging mapagmatyag ang publiko sa kung sino man ang magtatangkang magpakilala na nagtatrabaho sa isang kompanya o financial institutions.

DWIZ 882