POSIBLENG magkaroon ng panibagong COVID-19 surge matapos ang Eleksyon 2022.
Ito ang ibinabala ng grupong OCTA Research makaraang ma-detect ang Omicron subvariant na BA.2.12 sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni OCTA Fellow, Professor Guido David na hindi magiging kasing-panganib ang posibleng surge matapos ang halalan kumpara sa Omicron surge noong Enero.
Inihayag naman ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert at Vaccine Expert Panel member, na hindi kasing-peligroso o nakamamatay ang Omicron subvariant gaya ng Delta variant.
Karamihan aniya ng mga kaso ay mild at ang tsansang maging malubha ang sakit ay mababa maliban na lamang sa mga nasa vulnerable population, tulad ng mga senior citizen at immunocompromised. DWIZ882