ASAHAN na ang panibagong bigtime oil price rollback simula ngayong araw ng Martes, Disyembre 4.
Dalawang piso at sampung sentimos (P2.10) ang tapyas sa presyo sa kada litro ng diesel habang dalawang piso (P2.00) sa kada litro ng gasolina at kerosene o gaas.
Unang nag-anunsiyo ng rollback ang kompanyang Shell na sinundan naman ng Petro Gazz, Caltex at PTT Philippines.
Gayunman, buena manong nagtapyas ng kanilang mga produkto ang kompanyang Seaoil kahapon.
Ito na ang ikawalong sunod na linggong magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil company.
Magugunitang nagpatupad din ng tapyas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang Eastern Petroleum ng anim na piso at limampung sentimos (P6.50) kada kilo o katumbas naman ito ng pitumpu’t isang piso at limampung sentimos (P71.50) sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG, simula noong Sabado.
Comments are closed.