CAGAYAN – ISASALANG ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa investigation training ang mga pulis sa lalawigang ito kasunod ng mga nakaraang kaso ng pamamaslang sa isang pari at konsehal sa magkahiwalay na insidente.
Ayon kay IBP-Cagayan Chapter President na si Atty. Aalona Gazmen, layunin ng training na palakasin ang trabaho ng pulisya lalo na sa pagsisiyasat at pagresolba sa mga kaso ng krimen.
Nanawagan din ang IBP sa publiko na maging vigilante rin at magbantay sa kanilang mga lugar lalo na sa mga kahina-hinalang indibidwal at agad na isumbong sa pulisya.
Target ng organisasyon na maging katuwang ang provincial government ng Cagayan sa naturang programa para sa mas mabilis na koordinasyon at agarang pagkalutas ng mga kaso. REY VELASCO
Comments are closed.