PANININGIL NG TOLL SA EDSA PINAG-AARALAN NG DOTr

Edsa

PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang paniningil ng toll sa mga motorista na dumadaan sa EDSA sa pag-asang matuldukan ang matagal nang problema sa trapiko sa lugar.

Napag-alaman na ang panukala, na gagamit ng Radio Frequency Identification (RFID) technology, ay naglalayon ding makalikom ng karagdagang kita para sa gobyerno.

Target umano ng pamahalaan na ipatupad ang paniningil ng toll sa 2021 kung saan ang hakbang ay sinasabing hindi na mangangailangan ng pag-apruba ng Kongreso kundi ng mga Metro Manila mayor lamang.

Batay sa report, magkakaroon lamang ng isang rate para sa EDSA na dinadaanan ng maraming lungsod sa Metro Manila.

Comments are closed.