(Pantapat sa 9-dash line ng China) PH MAGLALABAS NG BAGONG MAPA

Maglalabas ang Pilipinas ng bagong mapa kasunod ng pagsasabatas sa Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Ayon kay National Mapping and Resource Information Authority Administrator Usec. Peter Tiangco,  ang bagong mapa ay maglalaman ng lahat ng mga lugar na sakop ng soberanya at so­vereign rights ng Pilipinas, kabilang ang West Philippine Sea.

Ito aniya ay pantapat  ng Pilipinas sa 9-dash line map ng China.

Giit ni Tiangco, ang malaking kaibahan nga lang ng mapa ng Pilipinas ay mayroon itong legal na batayan at sinusuportahan ng mga umiiral na batas.

Sa ngayon, sinabi ni Tiangco na hinihintay na lamang nila ang paglabas ng Implementing Rules and Regulations upang mapagtibay ito at tuluyang mailathala.

Noong 2012 pa hu­ling naglabas ng mapa ang Pilipinas.

RIZA Z