NAGPAPLANO ang Department of Trade and Industry (DTI) na bigyan na rin ng fuel subsidy card ang mga mangingisda.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, ito ay para maibaba ang gastusin sa pangingisda.
Sinabi rin ni Lopez na naisip nila ang ideya sa pakikipag-usap nila sa mga gumagawa ng sardinas.
Aniya, hindi sila napagbigyan sa kanilang hirit na ibaba ang presyo ng sardinas dahil sa mahal pa rin ang isdang tamban, na karaniwang ginagamit sa paggawa nito.
Kung mabibigyan ng diskuwento sa mga produktong petrolyo ang mga mangingisda, maaring bumaba na ang presyo ng sardinas.
Binanggit pa nito ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng dagdag buwis.
Kabilang ang sardinas sa mga pangunahing bilihin na may suggested retail price (SRP).
Comments are closed.