TAHASANG sinabi kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na walang problema sa paggamit sa panties bilang campaign materials.
Ito ay matapos umani ng iba’t ibang komento ang isang viral post sa social media kung saan ginamit ang mga panty bilang give-away na may pangalan ng isang councilor.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang panties ay walang pinagkaiba sa t-shirts o mga sombrero na kadalasang ipinamimigay kapag kampanya.
Aniya, sa ilalim ng election laws ng bansa, hindi nakasaad kung ano lamang ang mga damit na puwedeng gamiting campaign material.
Nauna nang pinuna ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang giveaway na panty.
Sinabi nito na dapat magkaroon ng mga alituntunin ang poll body tungkol sa mga campaign materials na dapat ipagbawal.
Comments are closed.