PANUKALA NINA QUEZON CONG. TAN AT ENVERGA

UMAARANGKADA  ang baguhang kongresista sa ikaapat na Distrito ng Quezon sa katauhan ni Atty Keith Micah “Mike “ Tan.

Akala ko babae kasi kakaiba ang name niya.Anak pala siya ni Quezon Gov. Helen Tan na bago naging gobernadora ay naging kongresista rin sa 4th District ng lalawigan ng Quezon.

Mukhang ito naman ang gagawa ng pangalan sa larangan ng pulitika.

Parang Enverga lang, malaki rin ang ambag ng dating Gov. Willie Enverga sa Quezon na naipamana niya sa kanyang anak na si Cong Mark ang angking pagtulong at talino.

Kuruin mong kakaiba ang ginawang panukala nitong si Cong Tan na naglalayong i-regulate ang pagbuo ng development application at gamit ang artificial intelligence (AI).

Ginagaya pala nito ang Human Intelligence na sa pamamagitan ng makina ay naka-programang kumilos tulad ng isang tao, at gagayahin pati ang aksyon nito, kung saan ay may malaking potensyal na mag-transform ng mabilis na innovation industry at pamahalaan.

Sabi nga ni Tan na siyang assistant majority floor leader, ang regulasyon ng AI ay kailangang din namang bantayan dahil na rin sa panganib na dala nito sa tao, sa privacy, discrimination, social manipulation, physical safety concerns at sa nakakapinsalang pagkilos nito.

Binanggit pa niya ang sinabi ng tinaguriang Godfather of AI Geoffrey Hinton, na ito na ang panahon para maprotektahan ang mga Pilipino mula sa “unintended consequences” ng AI.

Aba naman, naisip talaga niya si Geofrey Hinton na isang professor at former Google Engineering na siyang ama ng makapangyarihang artificial intelligence.

Ito palang House Bill No. 7913 ay nagtatakda ng regulatory framework na ginagabayan ng value-based principles upang ang AI ay maging solusyon na nakasentro sa tao.

Sa pagkakaalam ko lang ang disadvantage nito ay mababawasan marahil ang ating trabahador, subalit ang advantage naman nito ay ang improvement sa trabaho at repetitive task.

Maganda rin ito kasi mababawasan ang stress sa trabaho dahil sa ang robotics algorithm ay walang emotional na kasama at very efficient ang service nito kung ang pag uusapan ay serbisyo, dahil nakaprogram na ang lahat ng kilos at gagawin ng isang robotics na mekanismo.

Iba na nga naman ang ating teknolohiya ngayon kaya napapanahon ang panukalang ito ng batang Tan.

Aba, kung ganito kagaling ang kongresista sa lalawigan ng Quezon mas makikilala ang ating mga halal ng bayan sa kanilang ambag sa sambayanan upang mas umunlad ang bansa.

Pinag-usapan na rin lang natin ang kongresista sa Quezon Province may maganda ring ipinanukula itong si 1st District Cong.Mark Enverga.

Kakaiba rin ang kongresistang ito , kuruin mong nagpanukala siya na magtatag ng isang Philippine Onion Istitute para mas mapaunlad ang industriya ng sibuyas sa bansa.

Malaki ang paniwala ng Local Government Units na malaking tulong sa kanilang onion farmers ang nasabing bill.

Ang batang Enverga ay kilala na rin sa tahimik nitong pagtupad ng kanyang tungkulin.

Ang isa pang nagugustuhan dito ng mga kababayan ay ang totoong pagkalingkod bayan niya sapagkat, kahit ang humihingi sa kanya ng tulong ay hindi kadistrito ay kaagad niyang tinutulungan.’Yung hindi na tatanungin kung botante ka ba o hindi.

Ganito na marahil ang mga batang opisyal ngayon kung saan lubos na iniisip hindi lamang mga constituents kungdi kapakanan rin ng bayan

Kung ganito ang kaisipan ng iba pang nakaupo sa ating gobyerno ngayon.Mararamdaman natin ang higit na pagkalinga mula sa mga halal ng bayan.

Sana nga ay maging isang ganap na batas ang kanilang mga ipinanukala upang sa ganun ay mapakinabangan ng sambayanan.