IPINALILIBRE na sa buwis ang kompensasyon sa mga guro na nagsisilbi tuwing halalan.
Sa ilalim ng House Bill 7703 na inihain ni Quezon City Rep. Winston Castelo, pina-e-exempt sa income tax ang allowances at honoraria ng mga public school teacher na nagbibigay ng kanilang serbisyo sa eleksiyon.
Aniya, ang BIR ay nagpataw ng mandatory 5% withholding tax sa kompensasyon ng mga guro nito lamang katatapos na barangay at SK elections.
Paliwanag nito, ang ibinawas na P350 mula sa P6,000 honoraria ng mga guro ay napakalaking bagay na sa mga ito.
Karamihan pa sa mga gurong nagsilbi nitong halalan ay Teachers I at II na ang annual income lamang ay hindi hihigit sa P250,000.
Sinabi pa ng kongresista na dapat ay kinikilala ng estado ang sakripisyo ng mga guro na nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay kapag eleksiyon. CONDE BATAC
Comments are closed.