PANUKALANG 35-ORAS NA LINGGUHANG TRABAHO

Rep-Joey-Salceda

TIYEMPO sa pagdiriwang ng ‘Labor Day’ o Araw ng Paggawa (Mayo 1), nakahain na sa Kongreso ang dalawang panukalang batas ni Albay Rep. Joey Salceda na naglalayong babaan sa 35 oras ang umiiral na 40-oras na lingguhang trabaho ng mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor para isulong ang “higit na mataas at makabuluhang paggawa at kagalingan ng mga manggagawa.”

Ayon kay Salceda, ang panukala niyang HB 9183 at HB 9184 ay naaayon sa pandaidigang pagbabago tungo sa higit na maig-sing oras at mataas na antas ng paggawa dulot ng mga asenso sa teknolohiya at agham.

Pinuna niya na nagkakaisa ang mga ekonomista, mananaliksik at matataas na  institusyong pangkarunungan sa iginigiit nilang “ang higit na maigsi at ‘flexible working week’ ay malaki ang naitutulong para lalong mapasulong ang produksiyon at ekonomiya” at “higit na malusog na pangangatawan at pag-iisip ng mga manggagawa kaya higit na mataas ang antas ng produksiyon nila.”

Unang sinubukan at itinalaga ang 35-oras na lingguhang trabaho bilang reporma sa paggawa sa bansang Franchia sa ilalim ng pamahalaang ‘Plural Left’ nito noong 2000. Napatunayang napasulong lalo nito ang ekonomiya ng Francia at napababa ang bilang ng mga walang trabaho.

Ayon kay Salceda, sadyang napakalaki ang nagawang pagbabago sa sistema ng lipunan at paggawa ng mga asenso sa teknolo-hiya. Isa sa mga ito ang dahan-dahang pagpapaigsi sa bilang ng oras ng paggawa mula sa karaniwang 40 oras isang linggo, habang lalo namang napapalago ang produksiyon.

“Sa mga pag-aaaral, napatunayan din na ang ‘flexibility’ sa lugar ng trabaho ay makabuluhang nakatutugon sa mga espesyal na pangangailangan ng mga nanay, pamilya at mga ­manggagawang may edad na, bukod sa nabawasan ang bayarin sa koryente, mga sasakyan sa lansangan at bilang ng mga nagkakasakit,” dagdag niya.

Sa ilalim ng HB 9183 at HB 9184, titiyakin din ang wastong bayad at benepisyo ng mga nasa 35-oras sistema ng lingguhang trabaho gaya ng nasa kaha­lintulad nilang mga gawain, mga karapatan sa pahinga, makatotohanang dami ng gawain, at maliwanag na mga kundisyon sa paggawa.

Kung sakaling may mga puntos na hindi kaagad mapagkasunduan, ang mga ito ay ireresolba sa pamamaraan ng mga akmang mekanismo gaya ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga nasa gobyerno, at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nasa pribadong sektor.

Kapag naaprubahan na ang batas ang mga alituntunin sa implementasyon nito ay isasapinal sa loob ng 60 araw ng CSC para sa mga nasa gobyerno, at DOLE, sa pakikipag-ugnayan sa National Tripartite Indus-trial Peace Council at iba pa para sa mga nasa pribadong sektor.

2 thoughts on “PANUKALANG 35-ORAS NA LINGGUHANG TRABAHO”

  1. 293102 157146A person necessarily lend a hand to make severely posts Id state. This is the quite very first time I frequented your web page and to this point? I surprised with the analysis you produced to make this certain submit extraordinary. Magnificent method! 779603

Comments are closed.