Nais ni Senador Loren Legarda na amyendahan ang panukalang badyet ng Department of Tourism (DOT) para sa 2025 para sa mga bagong kalsada at tulay.
Ito ay matapos malaman na walang nakatakdang pondo para sa mga bagong ruta ng turista sa 2025.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang kabuuang pondo para sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) ng DOT sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay P15.1 bilyon noong 2024.
Gayunpaman, para sa 2025, ang badyet ay nabawasan sa P6.38 bilyon, na sasakupin lamang ang mga proyekto ng TRIP.
“Why are they discriminating against DOT? If the DOT is a driver of the local and domestic economy, why not? If it brings about thousands of jobs, etc.,” ani Legarda sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Finance Subcommittee G ng panukalang badyet ng DOT na P3.394 bilyon.
“So, tignan natin because i can amend it with a special provision if the Department of Budget and Management will allow,” dagdag pa niya.
LIZA SORIANO