KASABAY ng nakababahalang ulat ng World Health Organization (WHO) kung saan itinuturing nito na isang uri ng ‘disorder’ o sakit ang sobrang pagkakahilig sa iba’t ibang klase ng video games, inihain ng AKO Bicol Partylist ang House Bill 7909 o ang ‘Video Games Act of 2018.’
Ayon kay AKO Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, dahil sa labis na popularidad at kawalan umano ng kaukulang batas para magkaroon ng regulasyon sa naturang laro, marami ang naeengganyo at ang nakalulungkot pa, pati mga bata na nasa kanilang mu-rang isipan pa ay nahuhumaling dito.
Sa 11th International Classification of Diseases ng nasabing international health agency, tinukoy nito ang ‘addiction to video’ bilang ‘form or disorder.’
Kaya naman giit ni Batocabe sa kanyang HB 7909, kinakailangan ang pagkakaroon ng ‘rating and classification system’ sa lahat ng video games na iniaalok sa Philippine consumers.
Sakop nito ang mga video games na ibinebenta, pinaparenta o ipinamamahagi sa buong bansa maging ito man ay sa mga ar-cade machine, laptop, desktop o smart phones.
Binigyan-diin niya na makabubuti ito para makaiwas ang marami lalo na ang mga kabataan sa ‘video game addiction,’ na may-roong negatibong epekto sa mental health ng isang indibidwal. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.