Panukalang batas para sa ICT space sa housing development, muling ihahain ni Rep. Dy sa Kamara

NAGPAHAYAG si Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” A. Dy V na muli niyang ihahain sa Kamara ang panukalang batas na mag-aatas sa mga property developer na magbigay ng espasyo para sa imprastrukturang pangtelekomunikasyon sa kanilang mga housing development.

Ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin ang pantay at malawak na access sa Internet sa buong bansa.

“Nowadays, no one can live without good connectivity. Telco service is now a necessity similar to how power and water should be treated. In the digital age, it is a basic human right to have good connectivity,” ayon kay Dy.

Inihayag ito ni Dy sa RISE to the Next Level ng Globe noong Hulyo 11 kasama ang mga nangungunang property developer sa bansa.

Suportado ng Globe ang hakbang ni Dy dahil makatutulong ito sa ginagawang pagpapalawak ng imprastraktura ng kompanya para maghatid ng #1stWorldNetwork sa buong bansa.

“We are encouraged by Congressman Dy’s move to refile this bill that is crucial in achieving our goal to connect as many households as possible to reliable connectivity. This will benefit our people at a time when internet access has become a lifeline,” sabi ni Globe President at CEO Ernest Cu.

Naaayon din ito sa pangako ng Globe na isulong ang United Nations Sustainable Development Goals, lalo na ang pangangailangan ng imprastraktura at inobasyon para sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Ang House Bill 10388 ay naaprubahan na sa 3rd reading noong nakaraang Kongreso pero hindi umabot sa bicameral level. Dahil dito, positibo si Dy na maaaring mapabilis ang pagpasa ng panukalang batas sa ilalim ng bagong sesyon ng Kongreso dahil dumaan na ito sa mga komprehensibong deliberasyon ng komite sa Kamara.

Ang panukala ay suportado ng mga developer na katuwang ng Globe sa pagsulong ng built-in connectivity sa mga housing development.

Hinihikayat ni Dy ang iba pang mga developer na suportahan din ang panukalang batas.

“Being in government, our role is people centered, all laws should benefit the Filipinopeople. So please come on board, without a doubt, it’s so vital in our everyday life. I’masking other developers to let telcos operate in your areas,” sabi niya.