PANUKALANG BATAS UPANG MAGKAPANGIL ANG PEOPLE’S INITIATIVE INIHAIN

NAGHAIN  ng panukala si Albay 1st District Representative Edcel Lagman upang magkaroon ng pangil ang paggamit ng people’s initiative sa pag- amyenda sa Constitution na kung maisasabatas magiging enabling law para sa panukalang Charter Change (Cha-cha).

Ayon kay Lagman, ang layunin ng House Bill (HB) 9868 na kanyang inihain ay upang maging “valid” at “compliant “ sa batas ang publiko sa people’s initiative. “This bill is to introduce the enabling and compliant law so that our people can validly and properly exercise their right of initiative to propose amendments to the Constitution.”

“Rep. Edcel C. Lagman of Albay and president of the Liberal Party called on the proponents of charter change via people’s initiative to stop forthwith the ‘misadventure’ because there is no enabling law implementing the process by which the people can exercise their right to directly propose amendments to the Constitution,” ang nakasaad sa press statement na inilabas ni Lagman ng Pebrero 5.

Sa House Bill (HB) 9868 na inihain ni Lagman,napansin niya na wala umanong enabling law upang maging valid ang paggamit ng publiko ng proseso ng people’s initiative.”There is no compliant and enabling law implementing the people’s right to propose amendments to the Constitution via People’s Initiative,”nakasaad sa kanyang pahayag.

Ayon sa umiiral na probisyon sa 1987 Constitution, maaari ang publiko magpanukala ng direkta sa pag amyenda ng Saligang Batas sa pamamagitan ng petition basta’t ito ay pirmado ng kahit 12 porsiyento ng rehistradong botante, katumbas ng 3 porsiyentong rehistradong botante mula sa bawat legislative district.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia