PANUKALANG CASH AYUDA PARA SA PWDS SUPORTADO NG DSWD

BAGAMAT  nasa committee level pa lang ang panukalang batas na inihain ng ACT-CIS Partylist hinggil sa buwanang cash ayuda para sa mga mahihirap na Persons with Disabilities (PWDs), nangako ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na susuportahan nila ang nasabing bill.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, “napapanahon na bigyan ng buwanang financial assistance ang mga mahihirap na PDWs lalo na yung mga nakaratay na lamang sa higaan”.

Ayon kay Sec.Tulfo, “kahit pambili lang ng maintenance o pangkain para hindi sila pabigat sa kanilang pamilya.

Sinabi naman ni ACT-CIS Congressman Jeff soriano tanging mga PWD sector na lang ang walang cash assistance mula sa pamahalaan.

Anang mambabatas “ang solo parent may isang libo sa LGU at ang mahihirap na senior may 1K kada-buwan sa DSWD, pero ang PWDs ay puro discount lang”.

Noong nakaraang Sabado, binayaran ng DSWD ang higit sa 200,000 na mahihirap na PWD sa buong bansa matapos maglingkod o magbigay serbisyo sa kani-kanilang komunidad sa kabila ng kanilang kapansanan.

Sinabi ni Sec.Tulfo, isa sa mga programa ni President Bongbong Marcos ay tulungan lagi ang mga mahihirap na may kapansanan at isama sila sa pag-usad ng bansa mula sa pandemya.

Pahayag naman ni Cong. Soriano,” dapat ay may kahalintulad na programa ang pamahalaan para sa PWD dahil malaking tulong ito sa kanila”. PMRT