PANUKALANG DRUG TEST OK KAY GO

WELCOME  kay Senador Christopher Bong Go ang panukalang isalang sa drug test ang mga kandidato sa 2022 elections.

Sinabi ni Go na kung siya ang tatanungin at kung ano ang gusto ng taumbayan ay bukas siya anumang oras at kahit saan.

Ayon kay Go, kampante siya dahil wala naman siyang ibang bisyo kundi ang magserbisyo sa taumbayan.
Binigyang diin niti na bagaman hindi niri-require ng batas ang drug testing sa mga kandidato ay sang-ayon pa rin siya na kusang magpapasuri para ipakita sa mga botante na “fit for public service” ang mga pinagpipilian nilang kandidato na mamuno ng bansa.

Matatandaan na ang paglaban sa illegal drugs ang isa sa tatlong pangunahing programa nina Senator Go at ni Pangulong Rodrigo Duterte. VICKY CERVALES