PANUKALANG GAWING NATIONAL UNIVERSITY ANG PUP ‘DI PINIRMAHAN NI DUTERTE

PUP

HINDI pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang gawing National Polytechnic University ang Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Iginiit ni Pangulong Duterte na ang PUP ay isa sa mga state universities and colleges sa bansa.

Aniya, kailangang suriin mabuti ang paglipat ng PUP sa pagiging National University base sa performance ranking nito, kabilang ang Satellite campuses at Extension programs ng unibersidad.

Ito ang nakapaloob sa panukalang consolidated Senate Bill 2124 at House bill 9023 o ang the Charter of the Polytechnic University of the Philippines ay naglalayong gawing national university ang PUP. DWIZ 882

Comments are closed.