PANUKALANG P5.024-T 2020 NAT’L BUDGET (Nasa Kamara na)

DBM

NAISUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang 2022 National Expenditure Program na naglalaman ng P5.024-trillion budget para sa susunod na taon.

Pinangunahan nina Speaker Lord Allan Velasco, House Majority Leader Martin Romualdez at ng iba pang House leaders ang pagtanggap ng 2022 NEP.

Ang pambansang pondo sa susunod na taon na may temang “Sustaining the Legacy of Real Change for Future Generations” ay 11.5% na mas mataas kumpara sa P4.5 trillion na budget ngayong 2021.

Nakasentro sa pagbangon at pagtugon laban sa COVID-19 pandemic ang 2022 budget.

Ang sektor para sa social services ang makatatanggap ng pinakamalaking bahagi ng pondo na aabot sa P1.922 trillion.

Nasa P252.4 billion ang alokasyon para sa COVID-19 response activities at programs.

Nakapaloob sa sektor na ito ang pondo para sa health related services tulad ng implementasyon ng Universal Health Care Act at pagbili ng COVID-19 vaccines, personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical supplies.

Kasama rin sa pondo na ito ang education related-programs tulad ng Free Tertiary Education.

Pumangalawa naman ang economic services sector sa may pinakamalaking pondo na aabot sa P1.474 trillion kung saan nakapa-loob dito ang flagship programs sa ilalim ng ‘Build Build Build’ projects ng Duterte administration.

May P862.7 billion naman ang general public services sector habang P541.3 billion ang inilaang pambayad utang ng bansa at P224.4 billion naman sa defense sector.

Samantala, sa mga ahensiya ng gobyerno ay pinakamataas pa rin ang Education sector (DepEd, SUCs at CHED) na may P773.6 billion, pumangalawa ang DPWH na may P686.1 billion, sumusunod ang DILG- P250.4 billion, DOH- P242 billion, DND- P222 billion, DSWD- P191.4 billion, DOTr- P151.3 billion, DA at NIA- P103.5 billion at DOLE- P44.9 billion. CONDE BATAC

3 thoughts on “PANUKALANG P5.024-T 2020 NAT’L BUDGET (Nasa Kamara na)”

  1. 277983 769195i just didnt need a kindle at 1st, but when receiving 1 for christmas im utterly converted. It supply genuine advantages over a book, and makes it such a lot additional convenient. i may undoubtedly advocate this item: 232582

  2. 459364 687160The vacation unique deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all over the globe. Quite quite a few hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 619930

  3. 535030 889909Nice read, I just passed this onto a colleague who was doing some research on that. And he really bought me lunch as I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 568731

Leave a Reply

Your email address will not be published.