PANUKALANG ‘STIMULUS STRATEGY’ INILAHAD SA ‘WEBMAR TELECONFERENCING FORUM’

Albay Rep Joey Sarte Salceda

INILAHAD kamakailan ni House Economic Stimulus Response Cluster co-chair Rep. Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd District) ang panukala niyang ‘Economic Stimulus Act’ kung saan nakapaloob ang mga istratehiyang binalangkas niya para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pananalasa ng Covid-19 pandemic. Kasama rito ang  matibay na “structural response” at mga reporma na magpapatatag sa tiwala ng mga negosyo, manggagawa at ng mga mamamayan sa kanilang hinaharap.

Ginawa ang paglahad ni Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, sa harap ng mga 812 mga negosyante, tagasuri, siyentista at ‘academic experts’ sa isang ‘Webinar teleconferencing forum’ sa pamamagitan ng ZOOM app, na pinangasiwaan naman ng Shareholders’ Association of the Philippines.

Layunin ng ‘economic stimulus version’ ni Salceda ang “’panatilihin ang lahat sa barko,’ tulungan manatiling nakalitaw ang mga kompanya, iahon ang ekonomiya sa lindol na dulot ng lokal at pandaidigang mga ‘lockdown’ at ibalik ang mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.” Bahagi na ito ngayon ng Philippine Economic Stimulus Act (PESA) na isusulong ng House Stimulus Response Cluster, na inaasahang tutugon sa mga kailangan ng economiya pagkatapos luwagan ang ‘Enhance Community Quarantine’ (ECQ) mula ngayong Mayo 2020 hanggang sa magkaroon ng mabisang gamot sa Covid 19 na inaasahan sa 2023.

“Inaasahan naming susulong ang Pilipinas (sic) mula ngayon Mayo 2020, at dahil wala pang mabisang gamot at bakuna, tanging ‘mass testing’ muna ang dahan-dahang magpapabalik sa sigla ng negosyo at lipunan, Kung walang ‘testing’ isusulong din ng ‘Modified community quar-antine’ MCQ ang pagbalik sa trabaho ng mga manggagawa mula 23% hanggang  50%, ngunit mananatiling nakabalot sa takot ang tiwala ng negosyo at bayan at maaaring dumating ang ikalawang daluyong  ng ‘virus’ at muling ibalik ng pamahalaan ang mga ‘lockdown’ na hindi na makakayanan ng ekonomiya at gobyerno,” ayon sa mambabatas.

Sa ilalim ng PESA, panukalang puhunan ng mga P1.3 hanggang P1.4 trilyon ang unang taon ng intervention period (2020–2022) para tulungan ang mga manggagawa at negosyo upang matugunan ang epekto ng pananalasa ng COVID-19. Tinataya ni Salceda na isusulong ng panu-kalang ‘Stumulus package’ ang paglago ng Gross Domestic Product mula 2.6% ngatong taon, hanggang 5.3% sa 2023.

May P20 bilyong laan ang panukala para pambili ng mga ‘test kits’ na itinuturing na unang hakbang tungo sa pagbalik sa normal, at muling mapaandar ang ekonomiya. “Ang anumang gagawin ay dapat magsimula sa tiyak na proteksiyon ng mga manggagawa at mamamayan. Kailangang i-test muna sila bago pumasok sa trabaho o pumunta sa pupuntahan hanggang sa magkaroon ng tunay na mabisang bakuna,” diin niya.

Ayon kay Salceda, ang pagkakatuklas ng mabisang gamot o bakuna ang  pinaka-kritikal na sangkap sa pagbangon na tinatayang magsisimula sa pagitan ng 2021 at 2023, kaya dapat panatilihin dapat ang pagsunod ng lahat sa “minimum health standards,” kasama ang malimit at ta-mang paghugas ng kamay, paggamit ng PPE, ‘social distancing,’ at ‘testing.’ Kasama ang mga ito ng ‘fiscal, monetary and external balances,’ matatag na ‘structural response’ at mga repormang pang-ekonomiya sa magbibigay hugis at direksiyon sa hinaharap ng bansa.

Sa kanyang panukala, inirekomenda rin ni Salceda ang pinaigting na Build-Build-Build Program dahil malaki ang “economic multiplier effect” ng mga impraestruktura, kung saan ang bawat pisong puhunan ay natutumbasan ng gayon ding halaga sa pamumuhunan at konsumo.