(PAO nanawagan sa DILG, DOLE) MEMO ILABAS PARA SA F2F NA ‘DI BAKUNADO

NANAWAGAN si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE) na pakinggan ang kanilang panawagan hinggil sa epekto ng bakuna sa Covid-19.

Sa isang press conference, nakiusap si Acosta sa dalawang ahensiya na labanan ang No Vaccine, No work policy na ipinatutupad ng ilang kompanya, mandatory at experimental vaccination sa kabataan na isinasagawa ng local government units (LGUs) at Department of Health. (DOH).

Bukod pa rito, mariing tinututulan din ang house to house vaccination ng LGUs, bakuna kapalit ng ayuda at ang mandatory reverse transcription polymerase, chain reaction.

Panawagan din ng PAO na gawin na lamang boluntaryo ang pagpapabakuna at paggamit ng facemask sa alinmang lugar.

“Marami sa ating mga kababayan ang tumatawag at sumusulat sa aming tanggapan dito sa PAO ukol sa diskriminasyon na kanilang nararanasan sa kanilang mga trabaho dahil lamang sa hin.di sila nagpabakuna ng Covid 19 vaccine,” saad ni Acosta.

“Ang pamimilit na magpabakuna ang isang tao, direkta man ito o hindi ay maituturing na isang willful misconduct,” pagdidiin pa ng PAO chief.

Kasunod nito, ipinakita ni Atty. Acosta ang data ng mga namatay dulot ng booster at bakuna sa Covid 19 kasunod ang panawagan sa Commission on Higher Education (CHED) na magpalabas mismo ng department order o memorandum at hindi idaan lamang sa mga press statements ang pagpapayag na makapag-face to face ang mga estudyante sa colleges at universities na hindi pa bakunado o wala pang booster. BENEDICT ABAYGAR, JR.