PAO TULOY SA PAGSUSURI SA DENGVAXIA VICTIMS

dengvaxia

PATULOY ang pagsusuring ginagawa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa mga bata na posible umanong biktima ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Napag-alamang umabot na sa 136 ang naisailalim sa awtopsiya ng PAO.

Pinakahuli rito ang 13-anyos na si Justine Paule, na ‘di umano’y nakitaan din ng mga parehong sintomas na nakita sa mga batang nauna nang isinalang sa awtopsiya.

Napag-alamang tatlong beses na nabakunahan ng Dengvaxia si Paule at nasawi dahil sa umano’y brain at lung bleeding. DWIZ882

Comments are closed.