UMAAPELA ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Court of Appeals (CA) upang bawiin ang desisyon na nag-aatas na mailipat sa kustodiya ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) ang isang Filipino citizen na may kinakaharap na kaso ng deportasyon.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Persoda Acosta na naghain ng motion for reconsideration sa CA ang akusadong si Walter Manuel Fernandez Prescott na naglalayong mapalaya sa pagkakapiit.
Inilahad ng PAO na nagtataglay ng iba’t ibang sakit ang 71-anyos na si Prescott gaya ng sakit sa puso, vertigo at iba pa na lubhang mapanganib sa pagbiyahe lalo na ang pagsakay sa eroplano.
Nanindigan din si Prescott na siya ay isang Filipino citizen at lahat ng kanyang dokumentong inihain sa korte ay balido, kung kaya’t hindi siya dapat patalsikin sa Filipinas.
Batay sa mga opisyal na dokumento na isinumite sa korte, ipinanganak si Prescott noong April 10, 1950 sa Pilipinas at ang ang kanyang ina ay isang Filipina na si Hilda Fernandez habang ang kanyang ama naman ay isang American citizen na si Walter Dewey Prescott.
Aminado si Prescott na nagtrabaho siya noon sa World Bank (WB) sa Washington DC magmula ng 1983 hanggang 2010 at siya ay naging American citizen, nakapag-asawa ng American citizen na si Maria Lourdes Prescott.
Ipinahayag din ni Prescott na bumalik siya sa Filipinas dahilan sa karaniwang pangarap ng mga Filipino sa ibang bansa na sa kanilang pagtanda ay dito maninirahan at muli niyang na-acquire ang Philippine citizenship. BENEDICT ABAYGAR, JR.
778631 65913Um, take into consideration adding pictures or a lot more spacing to your weblog entries to break up their chunky appear. 688834
915852 354576But, what in regards to the conclusion? Are you positive in regards to the source? 849997