PAOLO AT LJ HANDS-ON PARENTS KAY SUMMER

PAOLO and LJ

HANDS-ON pa­rents ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes sa kanilang first born na si the pointAyanna Summer.

Katunayan, kahit may mga katulong sila, wala pang ibang puwedeng humawak sa kanilang baby na ipinanganak noong nakaraang buwan.

Kaya naman, talagang inaayos ng showbiz couple ang kanilang schedule para nga naman may maiiwang isa sa kanila na mag-aalaga sa kanilang anak.

Bagamat may yaya, tanging nag-a-assist lang daw ito sa mga panga­ngailangan ng kanilang baby.

Sey pa ni Paolo, kahit noon daw hindi pa na­nganganak si LJ, talagang metikuloso na siya pagdating sa kanilang magi­ging ba-by pero enjoy raw naman siya sa kanyang bagong role bilang tatay ni Summer.

“Ever since naman ganoon, e. Lahat, ligo… kaya timing lahat. Kaya kapag dire-deretso ang trabaho ko, may oras na si LJ na-hirapang maligo, kasi walang puwedeng humawak. ‘Pag tulog si Summer, saka siya titi­yempo,” pagbabahagi ni Paolo.

Sobrang naaaliw rin si Paolo sa ginagawang pag-aalaga kay Summer at aminado siyang kinakantahan niya ito ng kakaibang lull-abye niyang pampatulog sa kanilang anak.

Type rin niyang gumawa ng Youtube channel kung saan puwedeng mapanood ang kanilang baby.

Si Paolo ay bahagi ng cast ng “Hiram na Anak” na pinagbibidahan ni Yasmin Kurdi.

LAUREN YOUNG PINABULAANANG NANANAKIT SI ELMO

LAUREN YOUNGUSAP-USAPAN ang naging sagot ng Kapuso actress na si Lauren Young kaugnay ng tanong sa kanya kung nakaranas ba siya ng physical abuse sa ex niyang si Elmo Magalona.

Sey niya, never daw siyang sinaktan ni Elmo noong sila pa at kahit sino raw ay hindi siya papayag na saktan siya nang pisikal.

Aniya, hindi rin daw siya naniniwala na ka­yang manakit ni Elmo.

“For me, it’s either… I think someone is lying! Hahaha! I don’t know..”, aniya. “Sometimes, some people bend the truth, some people… sucks if it’s true, sucks if it’s not true. Then, someone is a liar,” pahayag niya.

Gayunpaman, wala raw naman siya sa posisyon na manghimasok pa kina Elmo at Janella dahil hiwalay na ang mga ito.

Hindi rin daw niya ipinagtatanggol si Elmo dahil manager niya ang mother nitong si Pia Magalona.

Matatandaang na­ging kontrobersiyal ang hiwalayang Elnella dahil sa pag-amin ni Janella na biktima siya ng pananakit ng singer-actor.

Comments are closed.