DATI-RATI, kapag nakakapanayam ang Eat Bulaga host at makeup transformation king na si Paolo Ballesteros ay hindi nito maamin ang kanyang sexual orientation.
Siguro, noong panahong iyon ay isinasaalang-alang pa niya ang kanyang anak na si Keira na nagdadalaga na.
Bagama’t may mga nasulat na nali-link siya sa model-actor, wala naman itong direktang kumpirmasyon kay Paolo.
Ngayon tuluyan nang nagladlad ang host ng Eat Bulaga.
Feeling naman kasi ni Paolo, walang mawawala sa kanya lalo pa’t tanggap naman ng fans ang kanyang pagbe-beki sa mga pelikula at pagmu-mujer sa kanyang mga segments sa Kapuso noontime variety show.
Sey pa niya, hindi raw naman niya kailangang magpaliwanag sa publiko kung bakit ngayon lang siya lumadlad dahil simula pa noon ay halata naman na daw ang kanyang tunay na kulay at wala naman nagbago sa kanya.
Bukod dito, inamin din ni Paolo na open siyang magpakasal sa kapwa lalaki.
Hindi na rin daw nami-miss ngayon ni Paolo ang intimate moment sa isang babae.
Unang nagkaroon ng karelasyon sa isang babae si Paolo kung saan nagkaroon pa sila ng isang anak na babae pero kalaunan ay naghiwalay rin.
GLAIZA DE CASTRO HINDI NA PAGDUDUDAHAN
DAHIL wala pang naging seryosong boyfriend, matagal nang pinagdududahan noon ang sexual preference ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro.
Ilang beses na siyang naging subject ng mga blind items at napagkamalang tomboy.
Dagdag pa rito, masyado siyang naging effective bilang aktres sa lesbian drama series na “The Richman’s Daughter” noon.
Kahit idinenay niya ito, meron pa ring mga malisyosang ayaw maniwala sa kanya.
Ngayon, happy si Glaiza dahil wala nang rason pa para pagdudahan ang kanyang gender dahil in a relationship na siya ngayon sa isang Irish surfing instructor na si David Rainey.
May special participation si Glaiza sa Kapuso teleseryeng “Prima Donnas” bilang asawa ni Wendell Ramos.
For three months, nagpokus ang Kapuso actress sa pag-aaral ng kursong music production sa London.
Kahit long distance ang kanilang relasyon ng dyowa at bihira silang nagkakasama, ang pagpunta niya sa Inglatera ay naging panahon daw para makapag-bonding sila ng boyfriend na tinulungan siya sa kanyang paghahanda sa kanyang school sa nasabing bansa.
Proud din siyang itsinika na ipinakilala na siya ng nobyo sa pamilya nito.
Comments are closed.