PAOLO BALLESTEROS NAPAGKAMALANG MS. SPAIN

paolo

MARAMING netizens ang nag-react sa ginawang panggagaya ni Paolo  BallesterosThe point  sa kontrobersiyal na beauty queen na si Ms. Spain Angela Ponce.

Nag-share kasi ng transformation photos ni Ms. Spain si Paolo na ipinost niya sa kanyang social media account.

Marami ang bumilib kay Paolo dahil kuhang-kuha nito ang nasabing transgender beauty queen sa kanyang ginawang panggagaya na kumpleto pa ang outfit with matching sash.

Suot ang nasabing costume, binati rin nito si Catriona sa kanyang pagkapanalo bilang Ms. Universe kaya marami tuloy ang nalito at napagkamalan talaga siyang si Angela.

Hindi ito ang unang panggagaya ni Paolo sa mga beauty queens.

Ginaya na rin ng Makeup Transformation King sina Catriona Gray, Iris Mittenaere at Demi Leigh Peters.

Maging si Ms. Vene­zuela na si Stefany Gutierrez, ang second runner up ay ginaya rin niya ang hitsura.

MIRIAM QUIAMBAO MASELAN ANG PAGBUBUNTIS

NAKAKUHA ng simpatiya ang naging post sa social media ng dating MIRIAM QUIAMBAObeauty queen at TV host na si Miriam Quiambao tungkol sa mga hugot niya sa kanyang pagbubuntis.

May mga netizen kasing nakapansin na tila may mga pasa siya o dark spots sa kanyang tiyan.

Ibinunyag naman niya na maselan nga ang kanyang pinagdadaanan.

Six months pregnant na si Miriam sa kanyang first baby.

May kondisyon siyang kung tawagin ay Obstetric APAS kaya maituturing ang kanyang kasong high-risk pregnancy.

“I was diagnosed with Obstetric APAS and need to inject every night for the whole duration of my pregnancy,” pagtatapat niya.  “Ever since I got pregnant 6 months ago, I was advised to avoid any long-distance and out the country trips until the end of my pregnancy to avoid unnecessary exposure to stress, infection and radiation in the plane. Such is required for a high-risk pregnancy like mine. I had to cancel most of my confirmed talks within the country and cancel all talks & trips abroad including those in Hawaii, Singapore, Korea and the US. I was willing to do this for the sake of my miracle baby but I have to say that I was beginning to grow restless staying in the city all the time,” dagdag niya.

Suportado naman si Miriam ng kanyang non-showbiz husband na si Ardy Roberto.