PAOLO CONTIS MALAPIT SA PUSO ANG BAGONG SERYE

TINANGGAP ni Paolo Contis ang bagong teleserye sa GMA 7, ang “Hiram na Anak” kung saan hotshotsgagampanan niya ang tatay ng anak na hihiramin ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Dion Ignacio.

“Malapit sa puso ko ang bago naming morning serye, dahil may bago kaming anak ni LJ (Reyes) si Summer Ayanna,” say ni Paolo. “Kahit masama ang role ko rito, hindi maitatanggi na may puso rin akong ama.”

Sa ngayon ay tatlong babae na ang anak ni Paolo, dalawa sa ex-wife niyang si Lian Paz na naninirahan na ngayon sa Cebu City at isa nga kay LJ Reyes.

“Eversince  naman hands on ako sa pag-aa­laga ng mga anak. Hindi ko alam kung alam ng dalawa kong anak na may bago si-lang sister. Wala kasi  kaming communication. Pero siguro alam na nila. Sorry po lamang na hindi ako puwedeng magsalita dahil legally may process akong sinusunod. Nirerespeto ko iyon. Siguro kapag ayos na ang lahat.”

Samantala, patuloy pa ring napanonood at nagpapatawa si Paolo sa “Bubble Gang” every Friday evening kasama nina Michael V, Sef Cadayona, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania, Bentong, Diego, mga seksi na sina Kim Domingo, Valeen Monrenegro, An-drea Torres, Jackie Rice, Arny Rose, Denise Barbacena, Lovely Abella at iba pa.

VICE GANDA NAGMUKHANG MASCOT

vice gandaNAGMUKHANG mascot si Vice Ganda ng mga kasamahan sa “It`s Showtime” last Saturday sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang final ng Q &A na beauty contest ng mga bakla.

Kahit na anong isuot ni Vice, sa totoo lang ay hindi makakayang isuot ng isang matinong lalaki sa naganap na finals  ng Q&A. Tila sakit na ni Vice na umagaw ng attention kapag may malaking event ang kanilang TV show.

Ayun, nagmukha tuloy siyang mascot ng mga kasamahan, lalo na sa ganda ni Anne Curtis na mukhang prinsesa sa kasuotan at agaw-pansin talaga ang kaseksihan.

Sana tigilan na ni Vice na magsuot ng kung ano-anong porma ng damit na hindi naman maganda tingnan. Mukhang laruan at isang toy mascot ang hitsura ng baklang kabayo.

So, tigilan na uma­gaw ng attention sa pamamagitan ng pagsusuot ng katawa-katawang kasuotan. Puwede ka naman magbihis ng maganda at disenteng kasuotan na hindi ka lalabas na katawa-tawa ang hitsura.

Comments are closed.