PAOLO CONTIS WALANG BALAK IWAN ANG GMA

KONTENTO si Paolo Contis sa takbo ng kanyang career sa GMA7.

Kahit pa uso ang lipatan at pag-oober da bakod sa dalawang giant TV networks, wala raw siyang balak The pointiwan ang GMA7.

“Bakit ko naman iiwan ang GMA? They’re loyal to me. Hindi naman lingid sa kaalaman ng tao na when I was a Kapuso, during that time, marami akong mga pinagdaanan. During that time, diyan nangyari iyong malulungkot na parte ng buhay ko but GMA gave me work. GMA stayed and that shows that I should give my loyalty as well,” sey niya.

Masaya rin siya dahil nakalalabas na siya sa kanyang comfort zone.

Katunayan, napansin siya sa pelikulang “Through Night and Day” bilang isang magaling na dramatic actor kahit pa sabihing identified siya sa comedy dahil sa “Bubble Gang”.

Hirit pa niya, hindi raw naman siya nahirapang mag-shift from comedy to drama.

“Actually, hindi naman kasi ako nabibigyan ng ganoong katinding project, eh. Iyong last drama movie ko was “Litsonero”.  Siyempre, when you’re on TV, ilalagay ka kung saan ka effective  kaya nandoon ako sa Bubble Gang…and Bubble Gang is a lot of work. Kapag nasa Bubble Gang ka, ang hirap gumawa ng projects outside and sometimes when you’re good sa isang bagay, minsan nao-overlook kung ano pa ang kaya mong ibigay, which is not bad naman. Hindi naman masama na ma-typecast ka. At saka, they don’t see me crying all the time kaya siguro ganoon ang naging reception,” pagbabahagi ni Paolo.

Kahit napatunayan na ang galing sa drama, wala raw siyang balak iwan ang pagko-comedy.

“Hindi ko iiwan ang comedy.Mahal sa akin ang comedy. ‘Pag wala na akong napatatawa, saka ko iiwan ang comedy pero ngayon masaya naman ako na pinapanood pa ako,” aniya.

Isa sa mga bida ng kontrobersiyal na pelikulang “Ang Pangarap Kong Holdap” si Paolo Contis at hindi pa man naipalalabas ang pelikula, sobrang kuwela na ang reaksiyon ng mga nakapanood ng trailer nito.

Sobrang wacky ng character ni Paolo bilang bagong recruit sa grupo ng small-time holdapers sa pelikula ni Direk Marius Talampas.

“To be honest, gusto kong bumalik ang Babalu- Redford White comedy na wholesome. Sa totoo lang, if there’s an avenue first to do it, then it must this. Maaaring bastos iyong pelikula, pero wala kaming in-offend na babae. Wala kaming skin na ipinakita. We could have done more considering na R-16 kami,”kuwento niya. “Kinontrol namin siya sa bastos na salita, bastos  na concept pero kung panonoorin mo  naman, wala siyang unnecessary hirit, eh. Nakakatawa lang,” dugtong niya.

“It’s all basic naman sa istorya. Alam naman natin ang boundary natin na hindi tayo nakaka-offend sa mga kababaihan or any section, so okay ako sa ganoon,” paliwanag niya.

Nilinaw niya na hindi siya napasok sa pelikula dahil siya ang personal choice ng isa sa mga producer nitong si Alessandra de Rossi na na­ging leading lady niya sa “Through Night and Day”.

Masaya rin siya dahil nakatrabaho niya ang mga bagong sibol na komed­yante tulad nina Pepe Herrera at Jerald Napoles.

Comments are closed.